Christmas by the Lake sa Taguig, pinakamalaking lights park sa bansa, bukas na
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Inaasahan na dadayuhin ang kabubukas na ‘Christmas by the Lake’ sa Lakeshore, Taguig City ngayon Kapaskuhan.
Nabatid na higit isang milyong ilaw, na ginamitan ng energy-efficient technology, ang nagpaliwanag sa anim na ektaryang outdoor attraction, na kinatatampukan ng lights and sounds display na may laser at beam animation.
Ang atraksyon ang maituturing na pinakamalaking ‘lights park’ sa buong bansa.
din ang ‘larger-than-life walk-through kaleidescope at village train na iikot sa tatlong bahagi ng parke, ang Lights of the City, Heart of Christmas at Spirit of Christmas.
Matutunghayan din ang ibat-ibang Christmas-themed installations, kasama ang Little Drummer Boy at Nativity.
“The newest attraction from the city is something we should all be proud of because it reflects not only our identity as a probinsiyudad but also our values as a community,” sabi ni Mayor Lani Cayetano.
Paalala lang din ni Cayetano, higit sa mga ilaw at dekorasyon ngayon Kapaskuhan, hindi dapat makalimutan ang tunay na diwa ng Pasko, ang Panginoong Kristo, na naging tao para sagipin ang sambayanan.
“He is the true light in our lives,” aniya patukoy sa Diyos Anak.
Ang parke ay magbubukas tuwing alas-2 ng hapon at ang Lights of Christmas Park ay magbubukas ng ala-5 ng hapon hanggang hatinggabi.