COA chief Cordoba lusot na sa CA

 

Nakalusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments si Commission on Audit chairman Gamaliel Cordoba.

Nabatid na ang CA panel on constitutional commissions and offices ang nagsagawa ng deliberasyon sa appointment ni Cordoba.

Matatandaang sumalang na sa CA si Cordoba noong nakaraang linggo subalit sinuspendi ang pagdinig matapos magkaroon ng argumento sina Senator Risa Hontiveros at Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta.

Kinwestyun kasi si Cordoba sa pagpapasara sa ABS-CBN corporation noong siya pa ang pinuno ng National Telecommunications Commission.

 

Read more...