Ibinahagi ni Senator Pia Ceyatano sa kanyang mga kapwa senador ang mga proyekto at programa ng bansang Israel sa Pilipinas.
Ito ay matapos buksan ni Cayetano at ng mga kinatawan mula sa Israeli Embassy ang isang photo exhibit sa Senado na may titulong ‘Bridging Innovation Between Israel and the Philippines.’
Ayon kay Cayetano makikita sa mga larawan ang mga proyekto ng Israel sa Pilipinas, na karamihan ay sa sektor ng agrikultura.
“So these are the kinds of discussions we had, just the tip of the iceberg, but we hope that it will allow us to continue exploring. And sabi nga po ni Mr Haviv, where there are humans, there are innovations. So just like our Senate President’s passion is to promote the countryside, there is so much opportunity there,” ani Cayetano.
Pinasalamatan naman ni Sen. Grace Poe ang Israel dahil sa mga inisyatibong matulungan ang Pilipinas, lalo na sa suplay ng malinis na tubig.
“So thank you to them for their willingness to help us and teach us with their technology and expertise,” ani Poe.