SWAT member aksidenteng napatay ng kabaro, gun safety training paiigtingin sa PNP

 

Ipinag-utos ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., sa kanyang police commanders na tiyakin na bihasa at maingat sa paghawak ng baril ang kanilang mga tauhan.

Kasunod ito ng insidente sa San Pablo City sa Laguna, kung saan aksidenteng napatay ng isang miyembro ng SWAT ang kanyang kabaro habang naghahanda sa ‘gun inspection’ noong Nobyembre 24.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Cpl. Fhrank dela Cruz sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Sinabi ni PNP spokesman, Col. Redrico Maranan, ang utos ni Azurin ay tiyakin na ang bawat pulis ay pamilyar sa gun safety rules para maiwasan ang mga katulad na aksidente.

Bukod pa ito, kailangan din aniya ay regular na sa sumasailalim ang mga pulis sa ‘firearm’s proficiency training.’

Read more...