Imported salmon, pompano kukumpiskahin ng BFAR

Simula sa darating na Disyembre 4, kukumpsikahan na ang mga imported pompano at pink salmon na ipagbibili sa mga palengke, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Noong nakaraang linggo, sinimulan na ng BFAR ang pag-anunsiyo sa mga palengke sa Metro Manila ukol sa naturang plano at ang pagpapaliwanag sa gagawing hakbang ay isasagawa hanggang Disyembre 3.

Unang sinabi ng BFAR  na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga nabanggit na isda sa mga palengke alinsunod sa Fisheries Administration Order 195 sa katuwiran na ang mga ito ay kailangan na de-lata, processing at para sa mga hotel at restaurants lamang.

Kailangan ng certificate of necessity to import para sa pagpapasok ng pompano at pink salmon sa bansa.

“As the government allows fish importation anew in order to fill in the supply gap while our conservation measures are in place and keep the prices of our fish commodities in the retail markets stable, the DA-BFAR conducts this IEC (information, education, and communication) campaign that will help safeguard the livelihood of our local fishers and prevent competition between our local and imported fish products,” ani BFAR officer-in-charge Demosthenes Escoto.

 

 

 

Read more...