Pabahay ng NHA sa Caloocan, ininspeksyon
By: Chona Yu
- 2 years ago
Personal na ininspeksyon ni National Housing Authority General Manager Joebin Tai ang pabahay sa Caloocan City.
Ayon kay Tai, nais niya kasing masiguro na de-kwalidad ang mga ipinatatayong pabahay ng NHA.
Kasama ni Tai na nag-inspeksyon si NHA Caloocan District Office Manager Emelina Balaoing.
Tatlong proyekto na pabahay ang ipinatatayo ng NHA sa Caloocan City.
Unang tinungo ni Tai ang Deparo Residences kung saan 1,560 units ang ipinatatayo, kasunod ang Bagumbong Residences kung saan 480 pamilya ang makikinabang.
Sunod na ininspeksyon ni Tai ang Bagong Silang Housing Project kung saan 300 housing units ang ipinatatayo roon.
Si Tai anng nagsulong ng Build Better and More (BBM) housing program para matugunan ang housing backlog sa bansa.
Target ni Tai na sa ilalim ng kanyang pamumuno na makapagpatayo ng 1.3 milyong pabahay na de-kwalidad, resilient at abot kaya sa ordinaryong mga Filipino.