Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na kailangan magpatupad ng mga reporma sa pambansang-pulisya upang hindi gumawa ng mga brutal na krimen ang mga pulis. Ang pahayag na ito ni Hontiveros matapos masentensiyahan ng isang korte sa Caloocan City si Pat. Jeffrey Perez dahil sa pag-torture at pagtatanim ng mga ebidensiya sa mga kabataang sina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman. Pinaniniwalaang ang mga pagpatay ay isinagawa alinsunod sa ‘war on drugs’ ng nagdaang administrasyong-Duterte. “The case shows us that state violence is not law enforcement. It shows torture, planted evidence and false police reports have no place in our national police force,” ani Hontiveros. Dagdag pa ng senadora hindi ganap ang hustisya kung hindi mapapanagot ang lahat ng responsable at kung hindi kukuwestiyonin ang polisiya ukol sa kampaniya kontra droga.
Reporma sa PNP ipinanawagan ni Sen. Risa Hontiveros
READ NEXT
Sec. Erwin Tulfo dinipensahan ni Sen. Koko Pimentel sa isyu ng citizenship, libel conviction
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...