37 miyembro ng CPP-NPA sumuko
By: Chona Yu
- 2 years ago
Nagbalik loob na sa pamahalaan ang 37 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Sumuko ang mga rebelde sa kay National Capital Region Police Office chief Brig. General Jonel Estomo sa sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Pangako ng mga rebelde kay Estomo, magiging tapat na sila sa pamahalaan.
Kasabay nitl, isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril at mga bala.
Pinunit din ng mga rebelde ang bandila ng CPP-NPA hudyat ng pagbabagong buhay sa tulong ng pamahalaan.
Ayon kay Lorba Serapil,43, tubong Aurora, Quezon na sumanib siya sa kilusan na inakalang mababago ang kanyang buhay subalit naging kabaligtaran ito sa kanyang naranasan sa kabundukan.
Mas lalo siyang nakaranas ng “kalbaryo” sa ilalim ng pamumuno ni kumander Sinag ng Silangan- MIMAROPA Command na naging ugat upang talikuran ang maling paniniwala.
Sa kabila nito, binigyan ni Estomo ng food package at cash money ang mga dating rebelde.
Nangako din ang pamunuan ng NCRPO na bibigyan nila ng livelihood projects ang mga sumukong rebelde.