Taripa sa mga electric vehicles, tatapyasan

 

Inindorso ng National Economic Development Authority Board kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng executive order para tapyasan ang tariff rates o taripa sa mga electric vehicles.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ito ay para mahimok ang mga motorist ana gumamit ng sasakyan na de kuryente

“In its first meeting, under the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr., the NEDA Board [endorsed] an EO modifying tariff rates on certain electric vehicles, such as passenger cars, buses, mini buses, vans, trucks, motorcycles, tricycles, scooters, and bicycles, among others. In particular, the EO will temporarily reduce the most favored nation or MFN tariff rates to 0% for five years and completely built up (CBU) units of certain EVs except for hybrid types of EVs,” pahayag ni Balisacan.

Nasa 5 hanggang 7 % ang taripa sa mga de kuryenteng sasakyan.

Bukod sa mga de kuryenteng sasakyan, pinatatapyasan din aniya ng NEDA board ang taripa sa mga parts o piyesa ng mga sasakyan.

Mula sa 5 %, nais ng NEDA board na ibaba sa isang porsyento na lamang ang taripa sa mga piyesa ng mga de kuryenteng sasakyan sa loob ng limang taon.

Hindi naman matukoy ni Balisacan kung kailan lalagdaan ni Pangulong Marcos ang EO.

Hindi pa rin aniya naku-kwenta ng NEDA board kung magkanong buwis ang mawawala sa pamahalaan kapag naipatupad ang EO.

Layunin aniya ng eo na mahikayat ang mga motorist ana tangkilin ang mga de kuryenteng sasakyan.

Bukod dito, sinabi pa ni Balisacan na solusyon din ito ng pamahalaan sa pagtugon sa problema sa patuloy na pagtaas ng presyon ng produktong petrolyo.

“Well, we want to encourage the adoption, the use of e-vehicles because that will address pollution issues and, of course, adaptations to climate change; and we believe that’s the future. But more importantly, we want to be part of the value chain globally in this drive to get to these new industries, new growth drivers. And hopefully, we can develop our own industries, and this reduction in tariff is part of that building up of ecosystem,” pahayag ni Balisacan.

 

 

Read more...