Reklamo ng IBP laban kay PNoy ipauubaya sa OSG

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Ipinasa ng Malacañang sa Office of the Solicitor General ang pagsagot sa iligal umanong appointment ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga bagong mahistrado ng Sandiganbayan.

Ito ay matapos na utusan ng Sandiganbayan si Pangulong Aquino na magkomento sa petisyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na humihiling na bawiin ng pangulo ang pagtatalaga nito sa dalawang Sandiganbayan Justices.

Iginigiit ng IBP na labag sa Saligang-Batas ang ginawa ni Aquino dahil wala sa shortlist na ipinasa nila ang mga inappoint nito sa anti-graft court na sina Justice Geraldine Faith Econg at Michael Frederick Musngi.

Una nang nanindigan si Communications Sec. Sonny Coloma na walang iregular sa ginawa ng pangulo at ang appointment ng dalawang mahistrado ay naaayon sa Saligang-Batas.

Sinabi rin ng opisyal na hindi naman maituturing na midnight appointees ang mga bagong talagang Mahistrado ng anti-graft court.

Read more...