Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan nabiktima ng identity theft

Maricel fake
Photo: Ruel Perez

Dumulog sa PNP Anti-Cybercrime Group ang mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan matapos mabiktima ng identity theft sa social media partikular ang facebook

Ayon kay Anthony at Maricel, napag-alaman nilang mayroon umanong gumawa ng pekeng FB account nilang mag-asawa at apat na anak sa FB.

Sa nabanggit na pekeng FB accounts napaniwala ang ilan sa kanilang mga kakilala na totoo ang nabanggit na mga online accounts dahil nagawa umano ng suspek na mag- usap usap sila sa facebook bagay na kaagad pinaniwalaan ng kanilang mga kakilala.

Sa pagkakataong ito, dito na umano kumilos ang suspek at kung anu ano ng pabor ang hinihingi mula sa load ng cellphone hanggang sa mangutang na ng pera para umano’y panggastos gaya ng pambayad sa tuition fee ng mga anak ng magasawang Pangilinan.

Nasukol lamang ang suspek, sa pamamagitan ng entrapment operation na ikinasa ng PNP-ACG matapos na humingi ng 5,000 cash ang suspek nakilalang si Myca Aranda, 19 years old taga Novaliches at umanoy estudyante ng Kings College sa La Trininidad, Benguet gamit ang account mula sa isang remittance company.

Ayon kay PNP ACG Dir Guillermo Eleazar, nahaharap sa patung patong na kaso ang suspek dahil sa paglabag sa Sec. 4B3 o computer related I.D theft ng Cybercrime Prevention Act, swindling o estafa sa ilalim ng Art 315 RPC at paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law.

Read more...