Marcos-Biden meeting sa White House ikinakasa na

 

Maaring magkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Joe Biden sa White House sa 2023.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, kumpiyansa siya na mangyayari ang courtesy call ng Pangulo kay Biden sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Romualdez na nais kasi ni Biden na makausap ang Pangulo.

Isinasapinal pa aniya ang iskedyul ng meeting ng dalawang lider.

 

 

Read more...