US VP Kamala Harris, kakandidatong muli sa eleksyon

 

 

Tatakbong muli sa eleksyon si US Vice President Kamala Harris.

Ito ay kung tatakbo bilang reeleksyunista si US President Joe Biden sa 2024.

Sa ambush interview sa Palawan, sinabi ni Harris na gagawin niya lamang ang pagkandidatong muli kung magiging running mate si Biden.

Sinabi pa ni Harris na hindi matatawaran ang nagawa na nilang trabaho ni Biden sa nakalipas na dalawang taon.

Sakay ng BRP Teresa Magbanua, tinungo ni Harris ang Palawan.

Una nang nag-courtesy call si Harris kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

 

Read more...