700 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cebu

Tinupok ng apoy ang 250 bahay sa Mandaue City sa lalawigan ng Cebu bago maghatinggabi kanina.

Base sa inisyal na impormasyon, may tatlong residente ang nasugatan at aabot naman sa 700 pamilya sa Sitio Paradise ang apektado ng sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection mahimbing ng natutulog ang marami sa mga residente nang sumiklab ang apoy alas-11:46 ng gabi.

Umabot ang sunog sa 4th alarm bago ito naapula alas-2:38 ng madaling araw.

Nagsasagawa na ng arson investigation para matukoy ang pinagmsimulan ng sunog.

Inaalam pa rin ang kabuuang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 

Read more...