Sinabi ni US Vice President Kamala Harris na dapat panindigan ng Pilipinas ang sobereniya at integridad ng teritoryo, gayundin ang mapayapang pagresolba sa pakikipag-agawang ng teritoryo.
Nais din ni Harris na mapanatili ang ‘freedom of navigation and overfly’ sa South China Sea at Indo-Pacific.
Sinabi ito ni Harris habang sakay ng BRP Teresa Magbanua sa dagat ng Palawan, ang lalawigan na pinakamalapit sa South China Sea.
Dapat din aniya patuloy na ipaglaban ng Pilipinas ang mga prinsipyo, ilegal na aktibidades gayundin ang harassment sa mga mangingisdang Filipino sa mga pinag-aagawang bahagi ng rehiyon.
“Communities like this have seen the consequences. And people here know the impacts when foreign vessels enter Philippine waters and illegally deplete the fishing stock, when they harass and intimidate global fishers, when they pollute the ocean and destroy the marine ecosystem,” aniya.
Tiniyak din nito ang pagdepensa ng US sa Pilipinas sa gitna ng mga kaganapan sa South China Sea at pagsuporta sa UN Arbitral Tribunal ruling noong 2016 na sumuporta sa Pilipinas kontra China.
Dagdag pa ni Harris na tutulong ang US sa modernisasyon ng monitoring systems ng bansa.