50 BIFF members sumuko, nagbalik-loob sa gobyerno

Screengrab from PNP’s FB live stream
Pinangakuan ni Interior Secretary Benhur Abalos ng tulong ang 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko at nagbalik-loob sa gobyerno. Nagbilin din si Abalos na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno sa mga tinaguriang former violent extremists (FVEs) para sa kanilang pagbabagong buhay. Aniya ang tulong at suporta ay alinsunod sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), gaya ng pangkabuhayan, edukasyon, pabahay at medical assistance. Nabanggit ni Abalos na 611 dating rebelde at kanilang pamilya ang tumanggap ng P45.79 milyong halaga ng tulong sa kanilang  pagsuko simula noong nakaraang Hulyo. Isinuko din ng mga dating terorista ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril, na may katapat din na halaga sa gobyerno.

Read more...