Sen. Pia Cayetano nagbabala sa mga OFWs, turista sa fake website

Ibinunyag ni Senator Pia Cayetano na may pekeng sponsored website na ang mga target ay mga turista at overseas Filipino workers (OFWs). Paliwanag niya, sa website ay pinagbabayad ng $70 ang mga papasok ng Pilipinas para sa arrival e-registration. Kayat binalaan at pinaalahahan niya ang publiko na walang kinokolektang anumang bayad ang gobyerno sa e-card registration. “For me, that is economic sabotage, no tourists and OFWs will come here anymore because of that. It is our job to alert all government agencies to stop it,” diin ni Cayetano. Nangako ang senadora na magbibigay ng privilege speech para detalyadong maibubunyag ang naturang pekeng website para sa kaalaman ng publiko.

Read more...