Sen. Bong Go bukas sa Senate probe sa nasayang na 31M COVID 19 doses

Labis-labis na nanghihinayang si Senator Christopher Go sa nasayang na 31 milyong COVID 19 doses.   Nagkakahalaga ng P15.6 bilyon ang mga nasayang na bakuna, na proteksyon sa grabeng sintomas ng 2019 corona virus, base na rin sa pahayag ng Department of Health (DOH).   Ayon kay Go kung kakailanganin na maimbestigahan ng pinamumunuan niyang Committee on Health ang pagkasayang ng mga bakuna, handa siyang gawin ito.   Diin nito, karapatan ng sambayanan na malaman ang mga dahilan kayat nasayang ang milyong-milyong bakuna dahil pondo ng bayan ang ginamit para bilihin ang mga ito.   Kung wala naman aniyang naging paglabag o pagpapabaya, dapat ay malaman na rin ang nilalaman ng ‘non disclore agreements’ on NDAs na ginamit sa pagbili ng mga bakuna.   Suportado din niya ang nais ng Commission on Audit (COA) na hingiin ang paliwanag ng mga dating opisyal ng nagdaang administrasyong-Duterte na lumagda sa NDAs tulad nina dating Finance Sec. Carlos Dominguez III at dating vaccine czar Carlito Galvez Jr.   Naniniwala din si Go na maging si dating Pangulong Duterte ay pabor na malaman ng publiko ang nilalaman ng mga kasunduan sa ngalan ng ‘transparency.’

Read more...