Naganap ang pagbisita noong Sabado, Nobyembre 19, at kasama ni Pangulong Marcos Jr., ang ilan sa mga kabilang sa kanyang opisyal na delegasyon.
Sa kanyang pakikipag-usap sa OFWs, pinasalamatan ang mga ito ng Punong Ehekutibo sa karangalan na kanilang ibinibigay a bansa dahil sa kanilang pagsusumikap sa trabaho.
Gayundin sa kanilang mga ambag at suporta sa gobyerno.
Ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr., ang mga plano ng kanyang administrasyon sa ibat-ibang sektor ng lipunan.
Bukod dito, tiniyak nito ang tuloy-tuloy na pagbibigay serbisyo ng gobyerno sa OFWs para mapangalagaan ang kanilang kapakanan.