US Vice President Kamala Harris dumating sa Pilipinas

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Kasalukuyang nasa bansa si US Vice President Kamala Harris.

Ala-6:52 kagabi nang lumapag sa NAIA si Harris sakay ng Air Force Two.

Sinalubong siya nina Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, Pasay City Rep. Antonino Calixto at Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto at iba pang opisyal ng gobyerno.

Ngayon araw ay unang makikipagpulong si Harris kay  Bise Presidente Sara Duterte na susundan ng bilateral meeting kay Pangulong Marcos Jr.

Inaasahan na matatalakay sa pulong nina Pangulong Marcos Jr. at Harris ang pagpapalakas sa kooperasyon ng dalawang bansa ukol sa seguridad at pagpapatibay ng ugnayang pang-kalakalan.

Bibisita din si Harris sa Palawan, na malapit sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Kasama ni Harris na dumating sa bansa si US Second Gentleman Douglas Emhoff.

Read more...