Kapakanan ng mga OFW, tinalakay nina Pangulong Marcos at New Zealand PM Arden

 

Sumentro sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern sa sidelines ng Asia-PCific Economic Cooperation Summit na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Tinalakay din ng dalawang lider ang usapin sa kalakalan at seguridad.

“Most people don’t find great opportunities. But that’s what happened, and we go where the work is,” pahayag ni Pangulong Marcos kay Ardern.

“The diaspora has really become a significant part of our culture,” dagdag ng Pangulo.

Nagkasundo ang dalawang lider na bigyang kapangyarihan ang mga Filipino migrant workers para maalakas pa ang kanilang kapasidad at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

 

Read more...