Agno, Pangasinan niyanig ng 4.8 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang Agno, Pangasinan kaninang 10:18 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa bayan ng Bani at Bolinao sa Pangasinan.

Wala namang inaasahang aftershocks o tsunami matapos ang lindol.

Wala ring naiulat na nasirang ari-arian.

 

Read more...