Yamashita Treasure, target sa hukay sa Bilibid

Hindi diving pool kundi ang pamosong Yamashita Treasure ang pakay ng nadiskubreng malaking hukay sa loob ng compound ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito ang pagbabahagi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at aniya ipinaalam sa kanya ang paghuhukay ni suspended Bureau of Corrections Dir. Gen. Gerald Bantag.

Sinabi ni Remulla na agad niyang pinagbilinan si Bantag na itigil ang paghuhukay.

“Ridiculous na. We’re wasting government money and time. Di ko alam if ginamit nya yun . You’re not there to seek treasure. You’re there to run the corrections of the department,” sabi pa ni Remulla nang pagbilinan niya si Bantag.

Sinabi din ni Remulla na walang pahintulot ang pagpasok ni Bantag sa kasunduan para gawing commercial area ang bahagi ng pambansang-piitan.

Unang sinabi ni Bantag na ang hukay ay para sa paggawa ng swimming pool na gagamitin naman sa pagsasanay ng mga tauhan ng kawanihan sa disaster response.

 

 

Read more...