Ayon sa mga ulat, ang natupok na bahay sa Sitio Majada ay ginagamit sa paggawa ng mga paputok.
Kinilala ang apat sa mga nasawi na sina Leticia Yutan Corral, 83; James Darwin Corral Delluson, 22; Ryan James Guttierez, 18; at Kenneth Buebo, 24. Hindi pa nakikilala ang ikalimang biktima.
Natagpuan sila sa natupok na bahay habang nag-iimbestiga na ang arson investigators.
Base sa ulat, alas-11 ng tanghali nang biglang may malakas na pagsabog at kasunod nito ay mabilis nang nilamon ng apoy ang bahay.
MOST READ
LATEST STORIES