Lib0-libo ang nagpa-rehistro sa aktibidad na idinaos sa The Tent in Las Pinas City.
Ang 11th OFW & Family Summit 2022 ay may temang ‘Bagong Simula sa Sariling Bansa’ ay dinaluhan din ng mga opisyal ng Department of Labor and Employent Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at ibang kinauukulang ahensiya.
Personal na nakiharap sina Sen. Villar at ang anak nitong si House Deputy Speaker Camille Villar sa mga dumalo sa pagtitipon.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Sen. Mark Villar ang mga dumalo sa kanilang patuloy na suporta sa kanilang pamilya.
Si Migrant Workers Sec. Susan Ople ay nagpadala na lamang ng video message dahil kasama ito ni Pangulong Marcos Jr., sa APEC Summit sa Thailand at kinilala niya ang mga Villar na ‘Champions of OFWs.’
Sa panayam, sinabi ni Sen. Cynthia Villar na magpapatuloy sila sa pagbabahagi ng karunungan sa mga OFWs at sa pamilya ng mga ito sa tama at wastong paggamit ng kanilang pera, kabilang na ang pamumuhunan sa mga negosyo.
Naging tampok din ang raffle prizes, kabilang ang isang bagong lupa at bahay na napalanunan ng isang Jeorge Giron, ng Sta. Rosa City, Laguna; dalawang motorsiklo, kabuhayan showcases at ibat-ibang appliances.