Shabu lab nabisto sa Ayala Alabang Village, P149.6M halaga ng shabu nakumpiska

PDEA PHOTO

Sinalakay ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang modernong shabu laboratory sa loob ng Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Unang sinalakay ang isang bahay sa Mabolo St., kung saan nadiskubre ang mga bagong gawa na 20 kilo ng shabu.

Sumunod na sinalakay ang isang bahay sa Madrigal Aveue kung saan naman nakita ang dalawang kilo ng shabu.

Limang katao ang inaresto kabilang ang isang 41-anyos na French national at 33-anyos na Canadian citizen.

Pinaniniwalaan na ang mga banyaga ay may koneksyon sa drug cartels na pinatatakbo ng Mexican, Australian at Canadian.

Ikinasa ang operasyon sa pamamagitan ng dalawang search warrants.

Read more...