Puslit na P80M halaga ng alahas nadiskubre sa PAL plane
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs )NAIA ang 24 kilo ng ibat-ibang gintong alahas na nadiskubre sa kubeta ng isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL).
Sa pahayag ng kawanihan, galing ang PAL flight PR 301 sa Hong Kong kahapon sa NAIA Terminal 2.
Tinataya na aabot sa P80 milyon ang halaga ng mga gintong alahas.
Nadiskubre ang mga alahas ng Customs Boardong Inspector mula sa Aircraft Operations Division.
Ipinag-utos na ni BOC-NAIA Carmelita Talusan ang masusing imbestigasyon sa pagpupuslit ng mga alahas upang makilala ang mga nasa likod nito.