Kongreso may P26.1 bilyong pondo sa susunod na taon

Inilatag sa Senado ni Senator Sherwin  Gatchalian ang P26.1 billion 2023 budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso..

Sa alokasyon, P8.7 bilyon ang sa Senado, P311 milyon sa Senate Electoral Tribunal, at P875 milyon sa Commission on Appointments.

Samantala, P16 bilyon naman sa Kamara, P230 sa House of Representatives Electoral Tribunal.

Ipinunto naman ni Gatchalian na isa mga mahalagang napaglaanan ng pondo ay ang P82 milyon para sa pagbuo at operasyon ng 2nd Congressional Commission on Education.

Paliwanag niya, mandato nito na pag-aralan ang kabuuan ng sistemang pang-edukasyon sa bansa at gumawa ng mga rekomendasyon para mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa at ang sistema.

Read more...