Higit 57,000 poste, ayon kay Gatchalian, ang nasa gitna ng road widening projects.
“The recurring failure to address the issue practically defeats the purpose of such road widening projects. Paulit-ukit na lang nating kinakalampag ang gobyerno sa isyung ito na posibleng magdulot ng kapahamakan sa mga motorista,” ani Gatchalian.
Sa ulat ng NEA, kabuuang 85,526 poste ang dapat na mailipat at 28,431 pa lamang ang nailpat para sa 33.24 porsiyentong accomplishment rate.
Ang naiwan na 57,095 ay hindi pa nailipat hanggang sa katapusan nitong Oktubre – 23,339 sa Luzon, 16,067 sa Visayas at 17,689 naman sa Mindanao.
Nabatid na P1.114 bilyon na ang nailabas para sa kinakailangang P5.548 bilyon upang mailipat ang mga poste.
Puna pa ni Gatchalian, may joint circular pa ang Department of Energy (DOE) at NEA noong Marso 2021 para sa mekanismo sa paglipat sa mga poste ngunit hindi pa ito ganap na nasusunod.