DOH: Higit 31M COVID 19 doses nasayang

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na higit 31 million doses ng COVID 19 vaccines ang nasayang at ito ay nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.

Ayon pa sa DOH, ang bilang ay 12 porsiyento ng 250.38 million doses na binlli at natanggap ng gobyerno.

Isinapubliko ang mga datos sa deliberasyon sa Senado ng 2023 budget ng kagawaran at ito ay inisponsoran ni Sen. Pia Cayetano.

Ibinahagi naman ni Cayetano ang ilang dahilan nang pagkasayan ng mga bakuna at una aniya ay nag-expire ang mga ito na dahil sa ‘short lifespan’ ng mga nagmula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

May ilan din na nasayang dahil sa mga kalamidad, sa pagbabago ng temperatura at ‘underdosing.’

Sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros na noong Agosto ay sinabi ng DOH na 20.6 million doses lamang ang nasayang.

Sinagot naman ito ni Cayetano at aniya nagsagawa ng masusing imbentaryo ang DOH sa mga bodega at ndiskubre ang mga iba pang mga bakuna.

Read more...