Friendly consultation sa pagtugon sa South China Sea, dapat pairalin ng Pilipinas at China

 

Dapat na manatili sa friendly consultation ang Pilipinas at China sa usapin sa South China Sea.

Pahayag ito ni Chinese President Xi Jinping matapos ang bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ meeting na ginaganap ngayon sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa pahayag ng Chinese Embassy, dapat na manatili ang friendly consultation sa paghawak sa mga hindi pagkakaunawaan at disputes sa South China Sea.

Iginiit pa ng embahada ng China na dapat na manatili ang strategic independence, peace, openness at inclusiveness sa naturang usapin.

Sinabi pa ng China na dapat na tanggihan ng dalawang bansa ang unilateralism at aksyunan ang bullying.

Dapat ding itaguyod ang pangmakatarungan, hustissya at stability sa rehiyon.

Sa panig ni Pangulong Marcos, sinabi nitong dapat na sumunod sa international law at United Nations Convention on the Law of the Sea ang China sa pagtugon sa territorial issues.

Bukod sa usapin sa South China Sea, tinalakay din ng dalawang lider ang food security, health issue, climate change at iba pa.

 

Read more...