Aabot sa 17 Chinese ang ipina-deport ng Bureau of Immigration.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sangkot sa illegal online gambling ang mga dayuhang Chinese na pinauwi sa China.
Ito na ang ikatlong batch ng mga Chinese na pina-deport ng BI.
Ayon kay Tansingco, personal na binabantayan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang deportasyon sa mga dayuhang illegal na nagtatrabaho sa bansa.
Sinabi pa ni Tansingco na awtomatikong kasama na sa blacklist ang mga pina-deport na Chinese.
Ibig sabihin, hindi na makakabalik sa Pilipinas.
Matatandaang unang pina-deport ng BI ang anim na Chinese noong Oktubre habang nito lamang Nobyembre ay pina-deport ang ikalawang batch na 21 na Chinese.
Base sa talaan ng BI, nasa 300 foreign nationals ang ipade-deport ng kanilang hanay dahil sa walang kaukulang permiso na magtrabaho sa Pilipinas.