(Courtesy: Romy Mariano)
Bigo ang world leaders mula sa mga mayayamang bansa na tugunan ang problema sa climate change.
Pahayag ito ng grupong Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) kasabay ng pagbubukas ng COP27 climate summit sa Egypt at G20 summit sa Bali, Indonesia.
Nagsagawa ang grupo ng kilos protesta na “Asian Day of Action for Climate and Economic Justice” para kalampagin ang world leaders na itigil na ang pag-aabuso sa kalikasan.
Ayon kay Lidy Nacpil, coordinator ng APMDD, nakadidismaya na binabalewala ng world leaders ang pangangalaga sa kalikasan.
“The majority of peoples and communities in Asia bear the brunt of the worsening climate crisis. This is on top of the multiple crises we face such as the food, social service, and health crises. We demand from COP 27 and the G20 summit the delivery of adequate, grants-based, and accessible climate finance, the establishment of a loss and damage fund, as well as reparations for the climate debt owed by rich countries to the Global South,” pahayag ni Nacpil.
“Governments of rich countries continue to lag on their obligations. They pledged to jointly mobilize $100 billion annually in climate finance by 2020 to fund climate action in developing countries. This is a ridiculously low amount considering the scale of need. But they failed to even meet this very amount,” pahayag ni Nacpil.
Nakalulungkot ayon kay Nacpil na inuubos ng mga mayayamang bansa ang pera sa pagbibigay ng pondo sa fossil fuels gayung nakasisira naman ito sa kalikasan.