City University of Pasay (CUP) Smartbook Learning System inilunsad
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano inilunsad ng City University of Pasay ang CUP SMARTBOOK Learning Management System na ang layon ay para sa mas epektibong pag-aaral sa pamamagitan ng face-to-face classes, online o blended learning system.
Sa pamamagitan ng CUP SMARTBOOK, makikita ng mga mag-aaral ang lectures, makakagawa sila ng kanilang assignments, assessments at makakagamit ng multimedia learning materials gamit ang kanilang smartphone, tablet, laptop at desktop computers.
Isinalarawan ito ni Calixto-Rubiano na ‘new and better normal’ sa mga paaralan at ito aniya ay maituturing na ‘breakthrough’ sa sistema ng edukasyon hindi lamang sa lungsod kundi maging sa buong bansa.
“With the advent of this technology, we expect more engagement and more enrollees, without having to compromise safety, and without rigid implementation of face to face safety protocols,” dagdag pa ni Calixto-Rubiano.
Dumalo din sa paglulunsad sina Pasay City Vice Mayor Ding del Rosario, CUP President Dr. Rose Estuche at Coun. Joey Isidro, ang namumuno sa Educational Committee ng Sangguniang Panglungsod, Couns. Donna Vendivel, Jen Panaligan, Allo Arceo, at Julie Gonzales.
Nabatid na higit 5,000 university officials, leaders, teachers, non-teaching staff, at estudyante ang nakibahagi na sa learning sessions ng Future of Education – Convergence Theory of Education ni multi-awarded Alternative Learning System advocate Fr. Ben Beltran at Disaster Proof Education– Beyond the Pandemic nii Jen Padernal, Cypher Learning Global Director for EdTech.
Ang PLDT Enterprise naman ay nagtayo ng 500Mbps connection sa unibersidad bilang suporta sa pagsasanay ng mga guro sa programa.
“A grand vision The City Government of Pasay is an advocate of positive change and transformation. With the addition of the CUP SMARTBOOK Learning Management System to CUP, the university has once again become the benchmark of quality, government-provided education,” sabi pa ni Calixto-Rubiano.
Dagdag pa niya; “This is the success not only of CUP but the whole city as well. Trust that Pasay LGU will always be on the lookout for more efficient ways to improve our education. After all, the city’s growth and development are well anchored in the success of our educational system.”