Cambodian Prime Minister Hun Sen, positibo sa COVID-19

 

Nag-positibo sa COVID-19 si Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Ito ang kinumpirma ng Prime Minister sa kanyang post sa Facebook.

Nakapulong ni Prime Minister Hun Sen si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang lider sa Asean Summit na ginanap noong Nobyembre 10 hanggang 13.

Wala pa namang abiso ang Palasyo ng Malakanyang kung sumailali na sa RT-PCR test ang Pangulo.

Nakatakdang makipag-pulong ngayong araw ang Pangulo sa mga kinatawan ng National Economic Development Authority.

Pangungunahan din ng Pangulo ang oath-taking ceremony ngayong araw ng Association of Women Legislators Foundation Incorporated.

Read more...