Pinaalahanan ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ang mga pulis na ipinagbabawal ang pamamasko, gayundin ang pagtanggap ng regalo ngayon Kapaskuhan.
“While we understand that some want to reciprocate our deeds, I said let’s be strict this time. We do not ask because we all know that we are all having a hard time making ends meet. Lots of jobs have been lost and businesses are still recovering,” ayon sa hepe ng pambansang pulisya.
Babala niya mahaharap sa mabigat na pagdidisiplina ang mga lalabag, kabilang na ang pagharap sa kasong administratibo at ang mas mabigat na kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
“Let’s be together, it means we celebrate Christmas, and we can have fun without spending a lot of money celebrating Christmas,” sabi pa nito.
Pakiusap lang din ni Azurin sa publiko na iwasan ang pagbibigay ng anumang regalo o bagay sa mga alagad ng batas kahit ito ay bilang pasasalamat lamang.