Daily average ng COVID 19 cases tumaas, ayon sa DOH

Noong nakaraang Nobyembre 7 hanggang 13, tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID 19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa nakalipas na isang linggo, 9,069 ang tinamaan ng nakakamatay na sakit o 1,296 kada araw.

Ito ay pagpapakita ng 43 porsiyentong pagtaas sa sinundan na isang linggo.

Ayon sa kagawaran, anim sa kaso ay kritikal at 613 ang nasa mga pagamutan.

Sa pagitan naman ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre, 41 ang nasawi at kabilang sa 113 namatay na naberipika ng DOH.

“Of the 113 deaths, 39 occurred in November 2022, 42 in October 2022, 13 in September 2022, 2 in August 2022, 4 in March 2021, 4 in February 2021, 4 in January 2021, 1 in December 2020, 3 in November 2020, and 1 in September 2020,” paglilinaw ng kagawaran.

Read more...