Inanunsiyo ng Civil Service Commission (CSC) na simula bukas ay matatanggap na ng humigit-kumulang 1.7 milyong kawani ng gobyerno ang kanilang ‘year-end bonus.
Sinabi ni Comm. Aileen Lizada ang bonus ay ang regular na ibinibigay sa mga kawani tuwing buwan ng Nobyembre.
Ibibigay ang bonus sa mga regular, contractual, casual, elected, appointive, full time o part time na mga kawani sa Ehekutibo, Lehislatura, at Hudikatura.
Sakop din nito ang mga uniformed personnel sa AFP, PNP, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management, at Philippine Coast Guard.
Ang bonus ay katumbas ng isang buwan na suweldo at P5,000 cash gift, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
MOST READ
LATEST STORIES