Presyo ng gasolina tataas, halaga ng krudo matatapyasan

Sa magkasunod na linggo, magkaiba ang magiging paggalaw sa halaga ng mga produktong-petrolyo.

Simula bukas, mababa ng P0.30 ang halaga ng kada litro ng krudo ng Seaoil, Cleanfuel, PTT Phils., Caltex at Petro Gazz.

Samantala, P0.90 naman ang itataas ng presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.

Ang Seaoil at Caltex ay magtaas ng P1.35 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Base sa monitoring ng Department of Energy (DOE), sa nakalipas na taon hanggang noong Nobyembre 8, tumaas na ng P17.25 ang gasolina, P36.60 naman sa diesel at P28.60 sa kerosene.

 

 

Read more...