46 drug suspects patay sa limang buwan ng Marcos Jr.-administration

PIO NCRPO PHOTO

May 46 drug suspects na ang napapatay sa anti-drug operations ng pambansang-pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) simula nang maupo si Pangulong Marcos Jr., noong Hunyo 30.

Ito ang ibinahagi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., at aniya bukod dito ang 22,000 na naaresto.

Dagdag pa ng hepe ng pambansang-pulisya, sa 18,000 anti-drug operations, may P9.7 bilyong halaga na ng ibat-ibang droga ang nakumpiska.

Sa bilang ng mga napatay, 32 ang sa police operations at 14 naman sa operasyon ng PDEA.

Samantala, sa ulat ng Human Rights Watch noong Setyembre,  may 72 drug-related killings na ang nangyari at ito ang laman ng kanilang ulat sa United Nations Human Rights Council.

Una nang inihayag ni Pangulong Marcos Jr., na magpapatuloy ang ‘war on drugs’ ng administrasyong-Duterte bagamat nakasentro ang atensyon ng kanyang administrasyon sa prevention at rehabilitation.

Sa anim na taon ng nagdaang administrasyon, higit 6,000 ang namatay sa anti-drug operations.

 

 

 

Read more...