Record! Higit 295-M scam at spam text messages naharang ng Globe

Umabot sa 295.74  milyon na mga scam at spam text messagaes  ang naharang ng Globe noong Setyembre, ang pinakamataas sa kasaysayan ng kompanya.

Kabilang sa mga naharang ay mga mensahe mula sa mga kadudadudang numero at may ‘clickable links.’

Kapansin-pansin ang patuloy na pagtaas ng bilang na nagsimula sa 68.34 milyon nong nakaraang Enero.

Sa loob ng siyam na buwan, higit 1.3 bilyon mapanlokong mensahe na ang naharang ng Globe kumpara sa 1.15 bilyon sa kabuuan na ng 2021.

“Ipinapakita ng aming data na naharang namin ang record number ng spam at scam messages sa pamamagitan ng mga pinaigting na hakbang, kabilang ang pagharang sa lahat ng person-to-person SMS na may clickable links,” pahayag ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.

Kasama na rin sa kabuuang numero mula Enero hanggang Setyembre and 49.3 milyon na scam at spam messages na may kinalaman sa mga bangko at iba pang financial institutions. Patuloy ang data sharing ng Globe sa mga institusyon na ito upang mapigilan ang financial fraud.

Nakapaglabas na ng P1.1 bilyon ang Globe para palakasin ang kakayahan nito na ma-detect at matigil ang mga scam at spam messages. Mayroon ding 24/7 Security Operations Center ang kompanya kung saan 100 empleyado ang nagtutulungan na mapigil ang paglaganap ng mga malisyosong mensahe.

 

Read more...