Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pamilyang naulila sa pagbagsak ng tulay sa Gujarat, India noong Oktubre 30 kung saan 135 katao ang nasawi.
Ipinaabot ng Pangulo ang pakikiramay sa 19th Asean-India Summit sa Cambodia.
“At the outset allow me to add our condolences on behalf of the Filipino people for the tragic loss of life and injury from the bridge collapse that you recently suffered. We pray for the injured to return rapidly to good health,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Si Vice President Jagdeep Dhankhar ang nanguna sa Indian delegation sa summit.
Matatandaang 135 ang nasawi nang bumigay ang pedestrian suspension bridge.
Karamihan sa mga nasawi ay mga babae, bata at matatanda.
Overloading ang dahilan ng pagbagsak ng tulay.
Nabatid na ang 754 feet bridge sa Machchu river ay itinayo noon pang British rule noong 19th Century.