Remulla kay Bantag: Harapin mo ang kaso mo

 

“Just face the charges like a man.”

Ito ang matipid na tugon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin kung ano ang sagot sa mga akusasyon ni suspended Bureau of Corrections Gerald Bantag.

“No comment”  na ang kalihim nang tanungin sa pahayag ni Bantag na dapat na itong bumaba sa puwesto dahil wala nang kredibilidad ang kalihim matapos maaresto sa isang drug operation ang anak na si Juanito Remulla III sa Las Pinas City noong Oktubre 11.

Ayaw nang patulan ni Remulla ang mga akusasayon ni Bantag.

Nahaharap sa kasong murder si Bantag matapos madawit sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Nasa Geneva, Switzerland ngayon si Remulla at dumadalo sa Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Committee.

Read more...