Timor-Leste magiging bahagi na ng Asean

Nagkasundo ang mga lider sa Association of Southeast Asian Nations na tanggapin bilang ika-11 miyembro ng regional bloc ang Timor-Leste.

Napagkasunduan ng Asean leaders ang pagtanggap o “agreed in principle” sa Timor-Leste sa 40th and 41st Asean Summits sa Cambodia.

“We, the leaders of the Asean… considering the outcomes of the Fact-Finding Missions to Timor-Leste conducted by the Asean Political-Security Community, Asean Economic Community and Asean Socio-Cultural Community, and agreed in principle to admit Timor-Leste to be the 11th member of Asean,” pahayag ng regional bloc.

Nabatid na ang Timor-Leste na dating Portuguese colony, ay ang pinabagong bansa na kasapi sa Southeast Asia. Ito rin ang pinakamahirap na bansa sa buong mundo.

Taong 2011 pa nang simulan ni Timor-Leste President Jose Ramos-Horta ang pangangampanya na maging bahagi ang kanilang bansa sa Asean.

Umaasa naman ang Asean leaders na makakasali na ang Timor-Leste sa susunod na summit sa susunod na taon.

 

Read more...