Bicycle rider, patay sa aksidente sa EDSA-Caloocan

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Patay ang isang bicycle rider matapos na masagasaan ng isang delivery truck sa EDSA-Caloocan kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Eugenio Tugawin, na nasagasaan ng delivery van na minamaneho ni Ronnnie Francisco habang binabgtas ang EDSA sakop ng Barangay Bagong Barrio Caloocan City.

Tinangka pang tumakas ni Francisco matapos ang insidente pero agad din itong nahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Halos hindi naman makausap si Francisco na matagal nanatili sa loob ng kaniyang sasakyan matapos ang pangyayari.

Nagdulot din ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar ang aksidente dahil naganap ito sa kasagsagan ng rush hour.

 

 

 

Read more...