Sen. Santiago, nakalabas na ng ospital

santiagoNakalabas na ng Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor-Santiago kahapon.

Ayon kay Ms. Chelsea Dauz, ang Media Relation Officer (MRO) ni Santiago, alas 5:00 ng hapon ng makalabas ng Makati Medical Center ang senadora.

Sa kabila na nakalabas na ito ng ospital hindi pa rin umano maaring tumanggap ng bisita ang senadora, dahil kailangan pa rin niyang magpahinga.

Dinagdag pa ni Dauz na normal nang nakakakain at nakakausap si Sen. Santiago, at kasama niya ngayon ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan.

Matatandaan na noong May 31 ay na-admit sa Intensive Care Unit (ICU) ang senador, matapos na magkaroon ng komplikasyon ang sakit nitong lung cancer.

 

 

Read more...