Paolo Ballesteros, kinarir ang panggagaya sa pitong Game of Thrones characters

Photo from Paolo Ballesteros' IG account
Photo from Paolo Ballesteros’ IG account

Career ang ginawang makeup transformation ni Eat Bulaga host Paolo Ballesteros sa mga character sa tanyag na seryeng Game of Thrones.

Photo from Paolo Ballesteros’ IG account

Si Ballesteros ay nakapahinga at ilang buwan nang hindi nakikita sa noontime show.

Bagaman hindi binanggit ng pamunuan ng TAPE kung ano ang dahilan ng pagkawala ni Paolo, may mga balitang suspendido umano ito.

Sa kaniyang Instagram account, sunod-sunod na ipinost ni Ballesteros ang makeup transformation niya sa mga character ng Game of Thrones.

Photo from Paolo Ballesteros’ IG account

Unang ginaya ni Ballesteros ang aktres na si Natalie Dormer bilang “Margaery Tyrell”, ang nasabing post ay umano na ng halos 30,000 likes sa Instagram.

Photo from Paolo Ballesteros’ IG account

Pumatok din sa netizens ang panggagaya ni Paolo kay Sophie Turner bilang “Sansa Stark” sa Game of Thrones na ngayon ay mayroong mahigit 31,000 likes na.

Umani naman ng mahigit 35,000 likes sa Instagram ang makeup transformation ni Paolo sa aktres na si Lena Headey bilang “Cersei Lanniester”.

From Paolo Ballesteros’ IG account

Maliban sa tatlo, ginaya din ni Paolo ang iba pang karakter sa Game of Thrones na sina Elimia Clarke bilang “Daenerys Targaryen”, si Maisie Williams bilang “Arya Stark, si Gwendoline Christie bilang “Brienne of Tarth” at si Carice Van Houten bilang “Melisandre”.

 

Read more...