Pandemic ayuda gusto ni Sen. Alan Cayetano na ituloy sa 2023

Ngayon tinatalakay na sa plenaryo ng Senado ang 2023 budget, sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na napakahalaga na maikunsidera ang pagbibigay pa rin ng ayuda sa mga lubos na apektado ng pandemya.

Katuwiran ni Cayetano, higit na kailangan pa rin ang direct cash assistance dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID 19.

Sinabi pa nito na mas simple ang direct cash assistance kumpara sa kasalukuyang sistema na ang mga ayuda ay ibinibigay ng ibat-ibang ahensya.

“Hindi ba natin pinapahirapan ang buhay natin sa gobyerno by putting it in different agencies at ang buhay ng Pilipino na kanya-kanya silang apply sa bawat ahensya? And dami pang requirements, pabalik-balik sila,” sabi ng senador.

Diin niya mas makakatipid kung ididretso na lamang sa mga lokal na pamahalaan at pamilya ang ayuda upang matiyak na mabibigyan ang lahat.

Maiiwasan din ang korapsyon sa pamamagitan ng e-payout dahil may resibo na ang pamamahagi.

Read more...