Dahil sa kanilang ‘zero performance,’ nais ni Senator Jinggoy Estrada na bigyan na lamang ng P1 budget sa susunod na taon ang Optical Media Board (OMB).
“According to my research, the OMB had no performance whatsoever for the past year. No collection, no apprehension of violators, wala, talagang zero performance. One year in office, wala talagang ginawa, zero performance. That’s why on Monday, during continuing budget plenary deliberations in the Senate, I will propose a one peso budget for OMB,” ani Estrada.
Nang sumalang sa deliberasyon sa Senate Committee on Finance ang P75.858 million 2023 budget ng OMB, kinuwestiyon ni Estrada si Chairman Jeremy Marquez ukol sa kanilang ‘lackluster performance.’
Ipinunto nito, na sa panunungkulan ni Marquez walang naisampang kasong administratibo ang OMB sa mga lumabag sa RA 9239 simula Nobyembre 2021.
Aniya, sa mga nakalipas na taon, 200 kaso ang average na naisasampa ng OMB at aniya wala din nasingil si Marquez na multa samantalang sa mga naunang taon ay umaabot sa milyong-milyong piso ang nasisingil na multa.
Katuwiran naman ni Marquez, halos wala ng nagtitinda ng ‘pirated DVDs’ sa ngayon kayat wala silang nahuhuli at napapagmulta.
Hindi naman ito naging katanggap-tanggap kay Estrada.