Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang Anini-y, Antique kaninang 7:16 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 20 kilometro.
Naramdaman ang Instrumental Intensity I sa San Jose Buenavista at Culasi sa Antique.
Wala namang inaasahang mga aftershocks o tsunami.
Wala ring naiulat na nasirang ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES